Monday, June 27, 2016

5 Steps sa Pagbili ng Bahay

Paano bumili ng sariling bahay? Ito ang limang steps kung paano.



[I-click ang picture para lakihan]

1.) Alamin ang budget
- Unang ikonsider ang kaya mong ibayad sa Monthly Amortization ng bahay na kukunin mo.

Bakit mo ito kailangan alamin?
  • Sa dami ng bahay na pwede mong puntahan para matignan, hindi naman lahat yan papasok sa budget na gusto mong ikonsider at hindi din naman lahat ng bahay na pasok sa budget mo ay bibilhin mo, 'di ba?
  • Makakatulong ito hindi lang sa'yo kundi pati sa ahente na iyong makakausap. Bakit? Mas madali malalaman ng mga kapwa ko ahente kung anong project ang pwedeng i-offer or i-suggest sa'yo depende sa considered budget at location mo.
  • Sa pag-alam ng iyong budget, makakatipid ka ng oras sa paghahanap ng bahay na pasok sa budget mo. Makakatipid ka din ng gastos sa pagpunta punta sa mga project gusto mong tignan. Imagine mo nalang, pupunta ka sa project na napili mo, gumastos ka para sa pamasahe pero pagdating mo hindi mo pala kaya mabayaran ang buwanang hulog. Sayang ang oras at pera mo.


2.) Kumontak ng DRIVEN Agent
- Siguraduhing magaling at mapagkakatiwalaan ang agent mo! Dapat taga-DRIVEN ito!

Bakit taga-DRIVEN dapat ang ahente mo?
May nabalitaan ka na bang isang homeowner na nagkwento, pagkatapos niya magreserve ng unit, hindi na niya ulit nakausap ang ahente niya?
  • Ang mga ahente ng DRIVEN ay sinanay hindi para magbenta sa kanyang kapwa, kundi sinanay sila para tulungan ang mga taong nangangarap magkaron ng sariling bahay.
  • Nasa nature na ng mga DRIVEN Agent na tulungan ang kanilang mga kliyente simula ng ito ay mag-inquire hanggang sa ito'y makalipat sa kanilang bahay na kinuha.

Para sa list ng mga DRIVEN Agent. Click here.


3.) Mag Tripping
- Sumama sa mismong subdivision para makita mo kung ok sayo ang lugar at itchura ng bahay.

Bakit mo kailangan sumama?
  • Masusukat mo kung gaano katagal ang travel time mula sa iyong kukuning bahay papunta sa iyong trabaho. Alam ko isa yang sa gusto mong ikonsider.
  • Makikita mo kung anu-ano ang malalapit na establishments katulad ng malls, schools at market place.
  • Makikita mo personally kung gaano kaganda ang subdivision at ang bahay na nakita mo lang noon sa picture sa internet.

Tips para sa mga kliyente kapag sasama sa tripping:
  • Magdala ng sapat na pagkain at inumin. Kadalasan umaabot ang tripping ng kalahating araw (4-5hrs). Huwag nating iasa sa ahente ang pagpapakain. Imagine niyo nalang kung lima kayong kliyente niya sa isang araw at siya pa ang magpapakain sa inyo.
  • Kung maaari, huwag magsama ng bata na baba sa 4 years old para makapag-focus kayo sa pagti-tripping at hindi sa pagaalaga ng bata. Mahihirapan lang din po kayo lalo na kung may kalayuan ang project na pupuntahan. Kawawa din po si baby kapag nagkataon.
  • Kung maaari, magdala na din ng mga initial requirements (2 Valid IDs, Proof of Income [payslip, COEC, or job contract], Reservation Fee) para kung magustuhan mo na ang bahay na iyong tinignan ay maireserve mo na agad ito. Tipid ka na sa oras sa pagbalik pati sa pera na maaari mo ulit magastos. Para hindi din makuha ng iba ang bahay na napili kung sakaling plano mong balikan pa ito sa susunod na linggo. (Nangyayari po talaga yan)

4.) Mag Reserve
- Kung nagustuhan mo na, wag ng patagalin at baka maubusan ka pa.

Kung ok na sayo ang location, ang itchura ng bahay, pasok sa budget mo, at higit sa lahat gusto mo ang ahente mo, mag reserve ka na, dahil baka maunahan o maubusan ka pa.

Bakit kailangan i-reserve ang unit o ang bahay?

  • Ito ang pagpapakita ng kliyente ng kanyang intensyon sa pagbili ng bahay.
  • Nagbibigay ito ng assurance na sayo na talaga ang unit o bahay na gusto mo at hindi na mapunta pa sa iba.

DAPAT TANDAAN: Kadalasan ang reservation fee ay non-refundable. Kaya dapat buo na sa puso't isipan mo na gustong gusto mo na yung bahay na kukunin mo.

5.) Kumpletuhin ang Dokumento
- Importante ito para hindi maforfeit ang binayad mo.

Bakit kailangan kumpletuhin ang dokumento?
  • Ito ay nagsisilbing pagpapakita ng isang kliyente ng kanyang dedication sa kanyan biniling bahay.
  • Ito ring mga dokumento na ito ay pino-proseso ng Developer at ng Pag-IBIG o ni Bank (depende sa napiling Financing) para maipangalan sayo ang bahay. Kung hindi ka magpapasa ng dokumento, ano ang ipa-process nila? Hindi mo rin makukuha ang bahay na binili mo.
Para makita ang listahan ng mga dokumentong kailangan ipasa. Click here.




No comments:

Post a Comment