Gaano kabilis ang lipat kapag sinabing "Lipat agad" o "Ready for Occupancy"?
Alamin natin ang mga factor na dapat i-consider para makalipat ka agad.
1.) Bahay
- Unang-una mong titignan as buyer ay kung ang bahay o unit na kukunin mo ay nakatayo na or pwede ng matirhan. Maganda na ang nakakasigurado, itanong sa ahente mo.
2.) Downpayment
- Sunod ay alamin mo kung magkano ang downpayment na kailangan mong bayaran.
- Kadalasan, ang downpayment na kinakailangan ay 10% hanggang 20% mula sa presyo ng bahay. May mga affordable housing na mas mababa sa 10% downpayment ang kailangan bayaran.
3.) Financing
- Kung nakakasigurado kana na nakatayo ang bahay at may pangdownpayment ka na, alamin mo naman kung anong financing ang kukunin o gagamitin mo para sa pagkuha ng bahay.
- Ang bilis ng paglipat ay nakadepende din sa financing na kukunin mo dahil makakalipat ka lang kapag naiproseso na ang mga dokumento mo.
- Ang mga impormasyon sa ibaba ay ang duration ng mga institution sa pag process ng iyong mga dokumento, ito ay estimation lamang.
- In-House Financing: Dalawa (2) hanggang apat (4) na linggo.
- PagIBIG Financing: Tatlo (3) hanggang apat (4) na buwan.
- Bank Financing: Isa (1) hanggang dalawang (2) buwan.
4.) Dokumento
- Ngayong alam mo na ang financing na kukunin mo, ngayon ay i-check mo naman ang mga dokumentong kailangan mong ipasa para handa ka na sa mga dapat mong ipasa at hindi ka na magkakaroon ng problema pagdating sa pasahan ng mga dokumento. Para sa listahan ng mga dokumentong ipapasa, puntahan ang Dokumentong kailangang ipasa.
- Dapat din tandaan na maipo-proseso lang ang mga dokumento mo kung fully paid na ang downpayment at kumpleto na ang mga kailangan na dokumento. Kapag naiproseso na ang mga dokumento at nagkaron na ng "Loan Takeout" sa PagIBIG o "Letter of Guarantee" (LoG) sa Bank, saka ka lang makakalipat sa iyong bahay na kinuha.
5.) Pagprocess ni Developer
- Kung fully paid na ang downpayment mo, naisubmit mo na lahat ng dokumentong kailangan para sa processing at kung ikaw ay nag PagIBIG o Bank Financing at may "Loan Takeout" or LOG na, ngayon alamin mo naman kung gaano katagal magprocess si Developer ng dokumento.
- Iba-iba ang duration ng pagprocess ng dokumento at patakaran bawat developer kaya maganda na itanong o alamin ito sa Developer. Kung alam din ni ahente, mas maganda.
6.) Promos
- Ito ay nakadepende sa developer kung meron silang "Early move-in Promo". Alamin sa ahente kung paano.
No comments:
Post a Comment